-- Advertisements --

Hinihiling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa National Water Resources Board na payagan ang lebel ng tubig ng Angat Dam na umabot sa 214 meters upang magbigay ng dagdag na buffer para sa mga operasyon nito.

Sinabi ni MWSS department manager Engineer Patrick James Dizon na sa pinakahuling monitoring ng kanilang ahensya, nasa 213.24 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Aniya, patuloy ang spilling na kanilang ginagawa dahil sa nakaraang araw ay patuloy ang mga pagbuhos ng ulan sa watershed area.

Ayon kay Dizon ito ang dahilan kaya nagkakaroon ng buffer zone.

Una na rito, hiniling ng MWSS na magdagdag ng 2 metrong lebel ng tubig sa reservoir bilang buffer bago ang nakaambang El Nino dry spell sa susunod na taon.