-- Advertisements --

Inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang pagtaas ng singil ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa susunod na taon.

Sinabi ni MWSS Regulatory Office chief regulator Patrick Lester Ty na ang mga pagsasaayos na ipatutupad ay mula P2.96 hanggang P205.87 bawat buwan simula Enero 2024 ay isinasaalang-alang ang inflation.

Gayundin ang programa sa paggastos na isinasagawa ng mga water concessionaires.

Aniya, ginawa nila ang mga pagsasaayos ng taripa sa mga tranches upang matiyak na ang publiko ay mapoprotektahan sa kanilang pasanin sa bayarin.

Dagdag pa ni Ty na isang dahilan ay kailangan ding paghandaan ang El Niño na magaganap sa 2024.

Bilang bahagi ng ikalawang tranche ng rate rebasing, ang parehong concessionaires ay maaaring magtaas ng kanilang mga singil mula 2023 hanggang 2027.

Matatandaang na ang unang tranche ay ipinatupad noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.