Tinapos na ang pagpapalabas ng tubig mula sa Angat Dam nang tumigil na rin ang mga pag-ulan sa watershed nito.
Sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System division manager Patrick Dizon na ang pagsasara ng spill gates ay naglalayong mapanatili ang ligtas na antas ng elevation ng tubig sa reservoir at ang pangangailangang magtipid ng tubig bilang paghahanda sa El Niño.
Ayon kay Dizon, ang elevation ay 214.18 meters pa rin, na mas mataas sa year-end target na 214 meters.
Sinabi ng DOST na hindi inaasahan ang pag-ulan sa watershed ng Angat Dam sa susunod na 72 oras.
Sinabi ng mga opisyal ng dam na tinapos na rin ang paglabas ng tubig mula sa Ipo Dam.
Ang nasabing dam ay nasa 101.18 meters ang lebel ng tubig o mas mababa ng 0.27 kumpara noong nakaraang araw.
Una na rito, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang climate pattern sa magiging epekto partikulat na ng nagbabantang EL Nino sa ating bansa.