-- Advertisements --

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa mga lokal na pamahalaan na hindi magkakaroon ng kakapusan sa supply ng tubig ngayong sa tag-init.

Ginawa nito ang pahayag kasabay ng mga ginagawa nilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng nakaambang El Nino Phenomenon sa bansa. 

Sa isang pahayag, sinabi ni  MWSS Water and Sewerage Management Department Manager Patrick Dizon, inatasan aniya ang kanilang ahensya  na magpatupad ng mga kinakailangang   mitigation measures noong pang nakaraang taon.

Ayon kay Dizon, nagdagdag sila ng dalawang metro na  magbibigay ng extra buffer room sa reservoir.

Aniya, sa paraang ito ay matitiyak na magiging   sapat ang magiging suplay ng tubig sa panahon ng tag-araw.

Ayon kay Dizon, ang karagdagang dalawang metro ay magbibigay ng dagdag na buffer room sa reservoir at matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tag-araw.

Sa ngayon ay pinapayagan na ang mga water concessionaires na magsagawa ng emergency leak repairs kahit hindi makakuha ng  iba’t ibang permit mula sa mga local government units.

Ito ay batay pa rin sa inilabas na  DILG memorandum noong 2023.


Dagdag pa ni Dizon. inatasan ng DILG ang mga LGU na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na magtipid ng tubig sa panahon ng tag-init.