Pinagmumulta ngayon ng higit P1.134-billion ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang concessionaire nito na Manila Water kasunod ng shortage sa supply ng tubig nitong nakaraang buwan.
Kung maaalala, kinumpirma ng MWSS na nilabag ng Manila Water ang obligasyon nito sa kanilang concession agreement na magbigay ng uninterrupted service ng tubig sa east concession zone.
Nauna ng inanunsyo ng Manila Water na hindi muna sila magpapataw ng singil sa tubig para sa buwan ng Marso.
“This minimum charge ranges for our lifeline customers of P76 but it also goes to all kinds of customers — lifeline, domestic, semi-domestic, commercial, industrial so it ranges from P76 to P656 for industrial customers, which represents the 10 cubic meters,” ani Manila Water Pres. Ferdinand dela Cruz kamakailan.
Sa ilalim ng sanction, higit P500-million ang para sa multa habang P600-million ang para sa development ng bagong water supply source.