-- Advertisements --
Pinayuhan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.
Kasunod ito sa pagsisimula na ng tag-init kung saan base sa kanilang datos ay tumataas ng anim na porsiyento ang water consumption tuwing ganitong panahon.
Sinabi naman ni MWSS department manager Patrick Dizon na hindi lamang dapat tuwing tag-init magtipid ng tubig at sa halip ay gawin ito sa buong taon.
Tiniyak naman nito na walang mararanasang kakulangan ng suplay ng tubig dahil sa ang water elevation ng Angat Dam ay mas mataas ng 11 metro sa kaniyang critical levels.