Muling pinagmumulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System- Regulatory office (MWSS-RO) sa Maynilad Water Services Inc., na i-refund ang P27.477 million sa mga customer lalo na sa southern area ng Luzon na apekatdo ng water service interruptions sa nakalipas na mga buwan kung saan mayroong iba na wala talagang suplay ng tubig sa loob ng ilang araw.
Ayon kay MWSS officer-in-charge at Deputy Administrator for Customer Service Regulation Lee Robert Britanico na ang naturang halaga ay na-compute matapos ang ilang mga konsultasyon at validations.
Una rito, base sa imbestigasyon ng MWSS-RO, nadiskubre na nilabag ng Maynilad ang service obligation nito na pagbibigay ng uninterrupted na suplay ng tubig 24 oras sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTPs).
Ayon pa kay Britanico may ilang mga customer na posibleng magkaroon ng negative bill dahil ang rebate ay posibleng mas mataas sa kanilang buwanang kinokonsumo.
Nakatakdang ipatupad ang rebate sa buwan ng Pebrero.