-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na sapat ang supply ng tubig sa National Capital Region.
Ginawa ng ahensya ang pagsisiguro sa kabila ng pagpapatupad nito ng mga kaukulang pressure management strategy.
Ito ay sa kabila rin ng nararanasang mahinang water pressure sa Metro Manila.
Sa isang pahayag, sinabi ni MWSS Engr. Patrick Dizon na layon ng hakbang na ito na pababain ang water consumption ng kanilang mga customer dahil sa matinding init ng panahon.
Tiniyak naman ng opisyal sa kahit nagpapatupad sila ng ganitong mga measures ay walang mawawalan ng supply ng tubig.
Kung magkakaroon din aniya ng mga water interruption ay dulot lamang ito ng kanilang isinagawang leak repair.