-- Advertisements --
Pumanaw na ang Jamaican singer na si Millie Small sa edad 73.
Inanunsiyo ni Island Records founder Chris Blackwell ang pagkamatay ni Small dahil sa stroke.
Sumikat ang nabanggit na singer sa kanta nitong “My Boy Lollipop” na naging top two sa US at United Kingdom noong 1964.
Isa ang nasabing kanta sa may mabentang ska song na mayroong mahigit 7 million sales.
Mula ng ilabas ang kanta noong Pebrero 1964 ay siyang nagpasikat ng ska music sa buong mundo.
Mismong si Blackwell ang nagdala kay Small sa London noong 1963 at gumawa ng version ng kantang gamit ang boses nitong parang bata at mataas na tono ng boses nito.
Isinilang sa Clarendon, South Jamaica kung saan sa edad na 12 ay nanalo ito sa talent contest sa Palladium Theater sa Montego Bay.