-- Advertisements --

Patuloy na umaani ng pagkagulat ang lumabas na huling kantang nai-record ng namayapang founder ng Ang Dating Daan na si Bro. Eli Soriano.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo sa uploader ng video na si Ulysses Villamin ng Songs and Spirits, kinumpirma nito na ini-record ang pagkanta ng televangelist sa umaga ng kaparehong araw na ito ay pumanaw o noong Pebrero 11, 2021.

Ang higit na naka-agaw ng atensyon sa nasabing recording ay ang mismong awitin na kaniyang napili.

Sa nasabing video kasi ay kinanta ni Bro. Eli ang awiting “My Way” ni Frank Sinatra.

Maririnig pa mula sa background audio ang voice coach ni Bro. Soriano, na nagbibigay ng instruction kung anong adjustment ang gagawin.

Ilang reaksyon ang nai-publish sa social media na nagsasabing tila may pahiwatig na ang televangelist na siya ay papanaw na, kaya iyon ang pinili niyang awitin.