-- Advertisements --
Pinatalsik ng Myanmar ang kanilang ambassador to United Kingdom.
Ito ay matapos ang pagkontra niya sa military coup at kahilingan nitong mapalaya na si Aung San Suu Kyi.
Sinabi ni Kyaw Zwar Minn na nagkawatak-watak na ang bansa at pinangangambahan ang pagkakaroon ng civil war.
Magugunitang inagaw ng military ang pamumuno sa gobyerno noong Pebrero 1 matapos akusahan si Suu Kyi ng pandaraya noong halalan.