-- Advertisements --

Inalmahan ng Myanmar ang naging desisyon ng Intenational Court of Justice (ICJ) ng United Nation na gagawa sila ng paraan para maiwasan ang genocide sa mga Rohingya Muslims.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Myanmar, na naging negatibo lamang ang pagtinging ng UN sa kanilang bansa.

Magiging hadlang ito sa abilidad ng bansa para magkaroon ng sustainable development sa Rakhine.

Sa kaniyang ginawang depensa sa korte ng The Hague, sinabi ni Myanmar de-factor leader Aung San Suu Kyi na ang nagaganap na kaguluhan ay isang uri ng “internala armed conflicts” lamang na nagresulta sa Rohingya militants na atakihin ang gobyerno.

Magugunitang ilang libong mga Rohingya ang namatay at mahigit 700,000 ang lumikas paputang Bangladesh ng magsagawa ng crackdown ang mga sundalo ng Myanmar.