Nag-alok ngayon ng diplomasya sa unang pagkakataon ang lider ng military na si Min Aung Hlaing sa Myanmar matapos makaranas ang bansa ng 7.7 magnitude na lindol na kumitil sa halos 2,700 katao.
Nabatid na isinara ito matapos ang kanyang kudeta noong taong 2021.
Naghahanda si Min Aung Hlaing para sa isang bihirang pagbisita sa summit sa Thailand, habang ang kanyang mga opsiyal ay nag-aayos din ng mga pagpupulong sa iba pang mga lider sa iba’t-ibang bansa.
Bagamat hindi pa tiyak kung dadalo siya sa BISTRE summit sa Bangkok nakipag-usap naman ito kay Chinese President Xi Jinping, Prime Minister Narendra Modi ng India, at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Nagresulta ang mga pag-uusap sa isang diplomasya ng pagpapadala ng international aid.
Bagamat tinatanggap ng junta ang international aid, iniulat ng mga diplomat na nililimitahan nito ang access ng mga sibilyan at mga kalabang grupo sa pagbibigay ng ayuda.
Habang nagpapatuloy rin ang opensiba ng militar sa kabila ng panawagan para sa tigil-putukan.