-- Advertisements --

Muling tatakbo sa general election si Myanmar leader Aung San Suu Kyi.

Ayon kay National League for Democracy party spokesperson Zaw Myint Maung, napagkasunduan nila ang nasabing desisyon sa Central Executive Committee meeting.

Bukod kay Suu Kyi ay tatakbo muli si President Win Myint sa November 8 elections.

Nakatakda ring ibunyag ni Suu Kyi ang mga detalye ng kaniyang pagtakbo sa susunod na araw.

Taong 2015 ng makuha ni Suu Kyi ang landslide victory.