-- Advertisements --
Itinanggi ni Myanmar leader Aung San Suu Kyi ang alegasyon ng genocide laban sa mga Rohingya Muslims.
Sa kaniyang pagharap sa United Nations International Court of Justice (ICJ) sinabi nito na ang kaso ay kulang at mali.
Dagdag pa nito sa kaniyang talumpati na ang kaguluhan sa Rakhine kung saan naninirahan ang mga Rohingya ay nagsimula ilang taon na ang nakakalipas.
Magugunitang ilang libo ang nasawing Rohingya habang mahigit 700,000 ang lumikas patungong Bangladesh at ilang karatig na bansa dahil sa patuloy na crackdown ng mga sundalo ng Myanmar noon pang 2017.
Nauna ng idinepensa ng gobyerno ng Myanmar na ang kanilang ginawa kung saan kanila lamang nililinisan ang lugar laban sa mga terorista.