-- Advertisements --
Inakusahan ng military rulers ng Myanmar ang kanilang pinatalsik na lider na si Aung San Suu kyi na nagbulsa ng $600,000 at 11 kilos ng ginto.
Ang nasabing alegasyon ay siyang pinakahuli mula ng kontrolin ng military ang pamumuno sa bansa noong Pebrero 1.
Mariing pinabulaanan naman ng isang miyembro ng parliyamento na kaalyado ni Suu Kyi ang alegasyon ng military.
Magugunitang mula ng nagkaroon ng miltary take over ay nagkaroon ng malawakang kilos protesta sa nasabing bansa kung saan kinondina ito ng maraming bansa at maging ang human rights group sa buong mundo.