Binalaan ng military sa Myanmar ang publiko na huwag magtago ng mga pinaghahanap ng batas gaya ng mga political activist.
Isinagawa ang pagbabala ng military sa nasabing bansa matapos ang paglabas nila ng arrest warrants sa veteran democracy campaigners na sumusuporta sa malawakang anit-coup protests.
Hinigpitan ng mga sundalo ang kanilang presensiya kung saan naglagay sila ng mga sasakyang pandigma sa lugar at inaaresto ang mga sibilyan na nagbabalak na gumawa ng gulo.
Hinahanap na rin ng mga kapulisan ang pitong katao kabilang ang mga kilalang democracy activist na siyang pasimuno umano ng kaguluhan.
Magugunitang nasa mahigit isang linggo na ang nangyayaring kaguluhan sa Myanmar kung saan kinuha ng militar ang kontrol at inaresto ang lider na si Aung San Suu Kyi.