-- Advertisements --
Napatay ng mga military junta sa Myanmar ang 7-anyos na batang babae.
Ito na ang pinakabatang biktima sa ginagawang crackdown ng mga militar sa Myanmar laban sa mga oposisyon.
Inaakusahan kasi ang mga pro-democracy protesters ng arson at kaguluhan sa mga nagdaang kilos protesta.
Sinabi ni junta spokeman Zaw min Tun na aabot na sa kabuuang 164 na protesters ang kabuuang napatay mula ng agawin ng militar ang kapangyarihan sa gobyerno noong Pebrero 1 kung saan mayroon din siyam na militar ang napatay.
Taliwas naman sa naging bilang ng Assistance Association for Political Prisoners (AAPP) na mayroong 261 na ang napatay ng mga military junta.
Magugunitang kinondina na ng maraming mga bansa ang nasabing insidente.