-- Advertisements --
Nilusob ng Myanmar military ang opisina ng local media na bumabatikos sa pamamalakad ng military.
Ang nasabing hakbang ay isang paraan ng military junta para mapatahimik ang mga oposisyon.
Pinagkukuha ng mga miitar ang ilang gamit ng media na inaakusahan na bumabatikos sa pamumuno ng militar.
Maraming mga negosyo na rin ang nagsara dahil sa patuloy na nagaganap na kilos protesta.
Pumalo na rin sa mahigit 50 katao ang nasawi mula ng sumiklab ang malawakang kilos protesta noong Pebrero 1.