-- Advertisements --

Tiniyak ng Myanmar military na nasa mabuti ang kalagayan sa kulungan ng pinatalsik na lider nila na si Aung San Suu Kyi.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni military spokesman Major General Zaw Min Tun matapos ang pagpapalaya sa US journalist na si Danny Fenster na hinatulang 11-taon na pagkakakulong.

Mula noong Pebrero kasi ay hindi na nakita pa sa publiko ang 76-anyos na dating lider matapos sakupin ng militar ang pamumuno sa Myanmar.

Kasalukuyang naka-house kasi ang dating lider ng Myanmar.

Sinabi pa ng militar na hinahayaan nilang pumasok ang mga tao sa loob ng bahay kung saan nakapiit si Aung San Suu Kyi.