-- Advertisements --

Nananawagan ang junta authorities sa Myanmar ng tulong mula sa international community kasunod ng nararanasang surge ng COVID infections sa bansa.

Umaapela si Senior General Min Aung Hlaing ng kooperasyon sa mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at itinuturing na ‘friendly countries’ ng Myanmar para mapigilan, makontrol at masolusyunan ang surge ng COVID-19.

Ayon sa junta leader kailangan ng karagdagang mga doses ng bakuna kung saan hihiling din umano ang Myanmar ng pondo mula sa COVID-19 response fund bilang kasapi ng ASEAN.

Base sa State Administration Council o junta na nasa 1.75 million katao ang nababakunahan na mula sa 54 million populasyon ng bansa.

Umusbong ang surge ng infection sa Myanmar mula noong buwan ng Hunyo. Nakapagtala naman ng halos 5,000 new COVID-19 cases habang 365 naman ang naitalang nasawi nitong Miyerkules ayon sa datos mula sa health ministry.