-- Advertisements --

Sinimulan na ng Myanmar ang isang linggong natioinal mourning o pagluluksa matapos ang naganap na malakas na paglindol na ikinasawi ng mahigit 2,000 katao.

Kaninang Marso 31, 2025 ay inilagay na sa half-mast ang watawat ng hanggang Abril 6.

Ang nasabing kaparaanan ay bilang pagbibigay simpatiya sa mga nawalan ng buhay at nasirang mga kabahayan mula sa naganap na magnitude 7.7 na lindol.

Patuloy ang ginagawang pag-rescue sa ilang mga biktima na natabunan ng mga gumuhong gusali.

Tumulong na rin ang ibang mga bansa para mapabilis ang pag-rescue sa lugar.