-- Advertisements --

Apektado na rin ang land reform projects na sinimulan ng ilang Filipino sa Myanmar dahil sa nangyaring kudeta.

Nabatid ng Bombo Radyo kay Atty. Jobert Pahilga, isang public interest lawyer, na ang inumpisahan nilang pamamahagi ng lupa mula pa noong Marso 2020 ang kabilang sa nalagay ngayon sa alanganin.

cropped Myanmar map

“Last year pa namin ito sinimulan, kaya lang tigil na ngayon dahil NLD yung may proyekto nito. ‘Di pa namin alam kung anong plano ng bagong liderato, pagkatapos ng kudeta,” wika ni Pahilga.

Kaya naman, maraming magsasaka na umaasa rito ang lumabo na ang tyansang makakuha ng lupang magagamit para sa kanilang kabuhayan at para sa supply ng kanilang bansa.

Nabatid na ang mga lupaing bahagi ng programa ay nasamsam ng nakaraang pamumuno ng National League for Democracy (NLD) party ni Aung San Suu Kyi.