YANGON – Nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga pasahero ng isang Myanmar airplane matapos itong mag-emergency landing na walang front wheels kaninang umaga lamang.
Ayon sa opisyal, hindi gumana ang landing gear ng Myanmar Airlines flight UB-103 pero suwerteng wala namang nagtamo ng injury mula sa 89 pasahero at pitong crew na lulan nito.
Sa ngayon ay nagpadala na ang Myanmar National Airlines ng mga engineer para suriin ang nasabing Embraer-190 model.
“Smoke came out a little when we landed… All passengers are OK,” kuwento ng pasaherong si Soe Moe.
Ang insidente ay ilang araw lamang matapos ang pag-crash landing ng Biman Bangladesh Airlines plane at dumulas pa sa runway ng Yangon airport sa gitna ng bagyo na nag-iwan ng 11 pasaherong sugatan. (CNA)