-- Advertisements --

Binalaan ng mga kapulisan sa Myanmar ang mga protester na mapipilitan silang gumamit ng karahasan at makakasuhan ang mga ito.

Kasunod ito sa patuloy na pagsasagawa ng kilos protesta para ipanawagan ang pagpapalaya sa inarestong lider na si Aung San Suu Kyi.

Naglagay na ang mga kapulisan ng babala na gagamit sila ng armas kapag itulak sila ng mga protesters.

Nauna ng gumamit ang mga kapulisan ng water cannon para itaboy ang mga protesters.

Magugunitang nasa house arrest si Suu Kyi mula ng i-take over ni army chief General Min Aung Hlang ang pamumuno.