-- Advertisements --
Myembro ng Budol-budol group na Glue Gang na notoryus sa buong bansa, nangbibiktima ngayon sa Iloilo City
Nagbabala ngayon ang otoridad kaugnay sa modus operandi ng binansagang ‘Glue Lady’ na nambibiktima sa lungsod ng Iloilo.
Si Glue Lady ay myembro ng Glue gang na nag-ooperate sa iba’t ibang lungsod sa bansa.
Sa record ng Iloilo City Police, kinilala si Glue Lady bilang si Lunalyn De Pedro, 40, at ang address niyo ay ang Brgy. Gustilo, Lapaz, Iloilo City.
Mayroon itong 13 mga kaso na kinabibilangan ng Theft, Malicious Mischief, Swindling (Estafa) at paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998 o Credit Card Violation Act.
Narecord ang nasabing mga kaso sa Iloilo City , sa Sara, Iloilo, Bacolod City, at sa Lipa City, Batangas.