-- Advertisements --
Nalungkot ang karamihan sa mga EXO-Ls nang malaman ang papalapit na pag-enlist sa military ni Xiumin, isa sa myembro ng South Korean boy group na EXO.
Si Kim Min-Seok sa totoong buhay, ay magpapahinga muna sa mundo ng showbiz upang pansamantalang magsilbi sa military bilang sundalo.
Si Xiumin ang magiging kauna-unahang myembro ng EXO na papasok sa military.
Hiniling naman nito na gawing pribado kung anong oras at saan ito mag-eenlist.
Pero bago pumasok sa military ay magpeperform muna ito kasama ang kanyang grupo sa kanilang Japan concert na gaganapin ngayong buwan.
Kung matatandaan, lahat ng lalaki sa South Korea na nasa edad 18-28 ay obligadong magsilbi sa military.