-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagkasagupa ang mga myembro ng militar at rebelde sa Barangay Camandag, Leon, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na narekober ng militar ang mga armas at mga bala.

Ayon kay Araño, walang nasugatan sa panig ng militar,

Ngunit posibleng may sugatan sa panig ng mga rebelde matapos nakita ang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkwentro.

Nanawagan naman ito sa mga rebelde na bumalik na sa gobyerno upang magkaroon ng tahimik na buhay.