-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isang myembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang rebelde na si alyas Nono,kasapi ng Guerilla Front Committee 53 at residente ng Sitio Conception Barangay Biangan Makilala Cotabato.

Sumuko si alyas Nono sa tropa ng 39th Infantry Battalion Philippine Army.

Kasabay ng pagsuko ng rebelde ay itinuro nito sa mga sundalo ang ibinaon niyang M16 Armalite rifle, mga bala at magazine.

Sinabi ni alyas Nono na pagod na umano siya sa pakikibaka laban sa pamahalaan at gusto nang mamuhay ng mapayapa.

Nanawagan ang 39th IB sa mga NPA na nagtatago sa batas na sumuko na at magbagong buhay.