-- Advertisements --

Hiniling ng maybahay ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque sa Korte Suprema na mamagitan sa contempt at arrest order ng House Quad Committee laban sa kaniya.

Tinawag din ni Mrs. Roque ito bilang “despotic at whimsical display of power’.

Noong Miyerkules, nang maghain ang kampo ni Mrs. Roque ng isang petition for certiorari at prohibition sa Korte Suprema.

Maaalala nga na pina-summon ng Quad Comm ang mag-asawang Roque sa imbestigasyon nito sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kung saan inakusahan ang dating Presidential spokesman na konektado dito.

Nauna na ngang napaulat na nasa labas ng bansa ang mag-asawang Roque kung saan si Mylah Roque ay pinaniniwalaang nasa Singapore para sa kaniyang medical treatment habang huling napaulat naman na lokasyon ni Atty. Roque ay sa Abu Dhabi.