-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagkakaroon ng double fund raising drive ang MYMP para sa baby ng kanilang ka bandang si Aaron Cadaing na kailangang dalawang buwang mananatili sa ICU dahil 7 months lamang ito ng lumabas at aabot naman sa P1 million ang kanilang kailangan.

Sa panayam ng Star FM Bacolod sa founder ng MYMP na si Chin Alcantara at bagong vocalist na si Carmella, patuloy ang kanilang virtual live shows para kay baby Hope at para sa iba pang kasamahan sa industriya sa pamamagitan ng Musikang yayakap sa musikang Pilipino .

”Nag re-raise kami ng funds para sa mga kapatid namin sa industriya na pari-pariho kami na nawalan ng trabaho syempre lalo na yong mga crew.” saad ni Chin Alcantara

” Patuloy parin kaming tumutulong, actually on going parin ang mga live shows amin” pahayag naman ni Carmella, bagong vocalist ng MYMP.

Maliban sa mga live on line shows ay nagbibigay din sila ng karagdagang saya sa pamamagitan ng kanilang band vlogs na nagpapakita ng kakulitang side naman nila sa likod ng kanilang mga performances.