-- Advertisements --

Pinangalanan na ni Donita Rose ang lalaki na bagong nagbibigay kulay sa kanyang buhay pag-ibig, limang taon mula nang maisapinal ang divorce.

Nagngangalan pala na Felson Palad ang naturang lalaki, na noong nakaraang linggo ay guessing game pa sa fans ni Donita dahil tanging kinumpirma niya ay nakikipag-date na uli siya.

Sa mga nakalipas na araw, sunud-sunod na ang mga sweet photos ng 47-year-old former Fil-Am actress/video jockey kasama ang “mystery turned lucky guy.” Si Palad ay sinasabing singer na nakabase sa California.

Taong 2020 nang piliin ni Donita na bumalik sa Amerika sa kasagsagan ng pandemya at ngayo’y isa nang corporate chef sa isang US-based Filipino supermarket.

Mayroon siyang isang anak sa nakahiwalayang mister na si Eric Villarama noong 2016.