-- Advertisements --

Naging malinaw na sa fans ni Kris Aquino na ang bagong nagpapatibok ng kaniyang puso ngayon ay si dating Department of Interior and Local Government (DILG) chief Mel Sarmiento.

Kasunod ito sa naging Instagram post ng dating presidential sister nitong Miyerkules ng batiin ang isang misteryosong lalaki na nagdiwang na kaarawan.

Dahil IG post ng actress ay umani ito ng magkakahalong reaksyon.

Nais ni Kris na maging pribado lamang ang pagkakakilanlan ng kaniyang “mystery man” kung saan pawang mga kaibigan at pamilya lamang ang makakaalam.

Subalit nitong Huwebes ay tila kinumpirma ni Sarmiento ang kanilang relasyon matapos na hiramin ang cellphone ni Kris at sinagot ang mga tanong ng netizens gamit din ang IG account ng actress.

Si Sarmiento ay naging DILG chief mula Setyembre 2015 hanggang Hunyo 30, 2016 sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Naging kongressman ito ng First District ng Samar mula 2010 hangang 2015 pagkatapos ng kaniyang tatlong termino bilang alkalde ng Calbayog City mula 2001 hanggang 2010.