CENTRAL MINDANAO – Dahil sa kanilang pagsisikap at mabilisang aksyon para sa mga nasalanta ng lindol sa bayan ng Makilala, binigyang parangal ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council-12 sina Vice Governor Emmylou Lala Taliño-Mendoza at Senior Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva.
Kapwa iginawad sa dalawa ang Plaque of Appreciation for 2019 Earthquake Humanitarian Response, DRRMC Programs at Leadership in COVID-19 Response sa ika-67th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato.
Ang naturang parangal ay ibinibigay ng NDRRMC sa mga indibidwal o grupo na nagpapakita ng malasakit at pagtalima sa mga pangangailngan ng mga nabiktima ng lindol.
Si Jorie Mae Balmediano, Information Officer-2 ng Office of Civil Defense Region-12 ang naging representante ng RDRRMC-Office of Civil Defense ang nag-abot ng nabanggit na parangal.