-- Advertisements --

Nagbabala ng ibayong pag-ulan ang Pagasa habang papalapit sa Northern Luzon ang tropical storm Ramon.

Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, bagama’t mahina lamang ang naturang sama ng panahon kung ihahambing sa mga nakaraang bagyo, malakas na ulan pa rin ang dadalhin nito sa malaking bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 500 km sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa Catanduanes.

Habang signal number one (1) naman sa Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue), Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.

Sa ngayon ay inalis na ang babala ng bagyo sa Sorsogon, Northern Samar at Eastern Samar.