-- Advertisements --

Umabot sa “all-time high” ang na-deploy na seafarers noong 2023 ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac. 

Ito ay matapos makapagtala ng 578, 626 na seafarers deployment sa iba’t ibang shipping firms sa mundo ang naturang kagawaran. Mas mataas ito sa pre-pandemic na all-time high na 507-K. 

Isa sa mga itinuturong dahilan ni Cacdac ay ang pagbabalik ng mga konsyumer sa iba’t ibang markets gaya ng mall at grocery stores. Dahil daw dito ay tumaas ang global commerce kaya mas dumami ang shipping activities. 

Binigyang-diin din ng kalihim ang kagustuhan ng mga ship owners na magkaroon ng Filipino seafarers dahil umano sa mataas na kalidad ng pagta-trabaho nito. 

Samantala, sa kabila nito ay bumaba naman ang bilang ng mga na-deploy na seafarers ngayong first quarter ng 2024. Umabot lamang ito sa mahigit 110-K, mas mababa kumpara sa naitalang bilang noong nakaraang taon sa parehong panahon na 149, 262.