-- Advertisements --
Hinimok ng isang think-tank ang Comelec na tanggalin ang pangalan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa balota para sa pagka-kongresista.
Ayon sa desisyon ng Comelec noong Disyembre 11, 2024, kinansela ang kandidatura ni Teodoro dahil sa “material misrepresentation.”
Natuklasan na si Teodoro ay residente ng 2nd district ng Marikina, ngunit nag-file siya ng COC para sa 1st district.
Ang desisyon ng Comelec ay nagsisilbing babala sa mga pulitiko na sundin ang batas sa halalan.
Pero sa panig ng Comelec, kailangan na nilang mailimbag ang mga balota at hindi na mahihintay ang desisyon ng korte sa mga disqualified candidates na may pending na apela o petisyon.