Nababahala ang mga extremism experts sa dumaraming bilang umano ng mga violent extremists habang papalapit ang inagurasyon ni President-elect Joe Biden.
Naniniwala ang mga eksperto na isa sa mga nag-udyok kung bakit dumarami ang bilang ng mga protesters ay ang ginawang pag-ban daw ng social media giants sa mga account ni outgoing US President Donald Trump.
Dahil dito, nadagdagan umano ang kaniyang mga sympathizers at tumaas ang panganib sa radicalization.
Sa mga supporters nito na nag-uusap via Facebook, Twitter ay lumipat na rin sa ibang platform na kinabibilangan ng Telegram.
Ayon kay Telegram spokesperson Remi Vaughn, marami umano sa mga post ng Telegram ang nananawagan ng karahasan.
Kung maalala, ang US Capitol ay napalibutan na ng mga bakod at tropa ng National Guard members nang sa ganon ay hindi na muling maulit pa ang nangyaring kaguluhan noong January 6 sa darating na inauguration day ni Biden.
Una nang isinailalim sa lockdown ang Washington, DC.