BUTUAN CITY – Dinala na sa Philippine Eagle Foundation o PEF Facility sa Davao ang na-rescue na Agila para sa karagdagang test gaya ng avian influenza at iba pang kakailanganing tests.
Ito ay matapos naiturn-over sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang sub-adult Philippine Eagle na binigyan ng pangalan na “Balikatan” ni Mr. Ryan Orquina sa Bacuag, Surigao del Norte sa nakaraang araw.
Ayon kay Orquina nabili niya ang nasabing agila na kinosiderang endangered species galing sa Indigenous People o IP sa tribong Mamanwa na napabalitaang nahuli tatlong araw na ang nakalipas sa kagubatang sakop sa Lahi, Sico-Sico, Camam-onan o LaSiCam, Gigaquit at Alegria areas.
Pahayag pa ni Orquina, ang kaniyang intensiyon sa pagbili ay ang pagligtas sa agila sa posibleng pagkatay nito o kaya ikukulong.
Ang pag-rescue at pagturn-over ay sinaksihan at isinagawas sa mga personahe sa DENR CENRO Tubod – Conservation and Devt Section (CDS) galing sa CENRO Tubod, Enforcement personnel galing sa PENRO-SDN, DENR Caraga CDD-PABES Chief & Technical staff, team galing sa Philippine Eagle Foundation at si Orquina kasama ang kaniyang pamilya.
Ang sub-adult Philippine Eagle, na tinatayang nasa edad 3 hanggang 4 na taon at lalaki, ay isinailalim sa physical check upang madetermina ang kaniyang health condition at nilagyan ng tag sa PEF.
Umabot ito sa bigat na 3.8 kilo na may 92 sentimetros ang tangkad habang ang lawak ng mga pakpak ay aabot sa 182 sentimetro at ang sungo ay may taas na 10.4 sentimetro at mga paa nito na 16 sentimetro ang taas.
Nilinaw naman na nasa magandang kondisyun ang nasabing agila.