-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang 50-anyos na mister matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Jumaguicjic, Roxas City.
Kinilala ang biktima na si Roger Gregorio, residente ng naturang lugar.
Base sa inisyal na impormasyon, isang barangay kagawad ang tumawag sa tanggapan ng pulisya at ipinaabot na may lalaking nagbigti sa nasabing barangay.
Kaagad namang rumesponde ang mga kapulisan kung saan naabutan ang biktima na nakasabit sa kanilang kusina na may tali sa leeg at wala nang buhay.
Nabatid na na-stroke umano ang biktima at hindi na nito maigalaw ang kalahati ng kaniyang katawan.
Mag-isa lamang ang biktima ng mangyari ang insidente dahil pumunta sa bayan ng Pontevedra, Capiz ang kaniyang misis upang magtrabaho.