-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Nakita ang isang bangkay sa bundok na bahagi ng Babatngon, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Edgar Felicio, 44, residente ng Sitio Sto. Niño, Brgy. Rizal II ng Babatngon, Leyte.
Ayon kay Lt. Melvin Ay-ay, OIC ng Babatngon Municipal Police Station, nakita ng isang magsasaka ang naturang bangkay sa bahagi ng bundok sa Sitio Cana-an kung saan apat na kilometro ang layo galing sa Brgy. Rizal II kung saan nakatira ang biktima.
Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor napag-alaman na heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ni Felicio.
Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa naturang insidente.
Napag-alaman na aabot na sa isang linggo ang naturang bangkay ng biktima na nasa state of decomposition na.