-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa talahiban sa Brgy. PD Monfort North, Dumangas Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PMaj. Joven Arevalo, hepe ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa insidente.

Ayon kay Arevalo, inaagnas na ang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at short ka kulay brown.

Naniniwala naman ang pulis na posibleng tinapon lang ang biktima matapos pinaslang.