-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nakahandusay sa sahig at wala nang buhay ang mag-asawa nang matagpuan sila sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Cabayugan, Malinao, Aklan.

Nakilala ang mag-asawa na sina George Cabawatan, isang retiradong sundalo at Lucille Cabawatan, 56, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malinao police station, nakita na lamang ng kanilang kaanak ang bangkay ng mag-asawa na nasa state of decomposition na.

Nagtaka umano ang mga ito dahil halos apat na araw nang hindi lumalabas ng bahay ang mag-asawa.

Noong Abril 30 ng hapon huling nakita ang babae na dumalo sa isang birthday party ng kanilang kapitbahay.

May nakitang ilang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng dalawa at nagkalat ang mga dugo sa sahig at pader ng kusina.

Hindi pa matukoy ng awtoridad ang ikinamatay ng dalawa. Ngunit, sinasabing may nawawalang gamit ang mag-asawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.