-- Advertisements --
Sa isang statement, sinabi ng ospital na hanggang noong Agosto 28 ng alas-10:00 ng umaga ay hindi na sila tumatanggap ng COVID-19 cases na kinakailangang ma-admit.
Epekto anila ito ng nararanasang surge sa COVID-19 cases sa mga nakalipas na araw.
Kaya naman hinihimok niya ang lahat na mag-ingat pa rin sa araw-araw na pakikihalubilo sa ibang tao, sumunod sa minimum health protocols, at magig responsabling indibidwal.
Hinimok din ng pamunuan ng ospital ang publiko na magpabakuna na at makibahagi sa pagsugpo sa pandemyang ito.