KALIBO, Aklan – Isang patay at naagnas nang balyena ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Kaman-ulan Beach sa isla ng Boracay.
Ayon kay Mr. Denric Sadiasa, Municipal Agriculturist ng Malay na nakita umano ng ilang mga residente kahapon sa lugar ang balyena na palutang-lutang hanggang sa natagpuan ito kaninang umaga sa dalampasigan sa loob ng isang private property.
Sa kanilang pagsusuri, mayroon itong haba na 12 centimeters.
Hindi na umano matukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung anong uri ito ng balyena at ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay dahil nasa state of decomposition na.
Minabuting ilibing ang balyena sa Barangay Bulabog sa likurang bahagi ng Boracay sa tulong ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bantay Dagat, Philippine Coast Guard, Maritime Police at mga residente sa lugar, kung saan naging pahirapan pa dahil sa sobrang bigat nito.