-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inatasan na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga Regional Executive Director Atty. Felix Alicer si CENR Officer Victor Sabornido pagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa napadpad na patay ng 17-metrong sperm whale.
Natagpuan ito ng isang mangingisda sa Sitio Gacubay, Barangay Baculin, Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay DENR-CARAGA Information Officer Eric Gallego sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, sinabi nitong inaalam pa nila kung ano ang dahilan nang pagkamatay ng naturang balyena.
Sa ngayon, sinabi ni Gallego na nasa state of decomposition na ang balyenang ito.