-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Itutuloy na ng ang naantalang 1 million tree in one day project ng provincial government ng Isabela sa araw ng Biyernes, Dec. 20, 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Romy Santos ang media Consultant ng provincial government sinabi niya na pormal ng inihayag ni Punong lalawigan Rodito Albano ang pagpapatuloy ng 1 million in one day project na nauna ng naantala noong December 6, 2019 matapos na makaranas ng malawakang pagbaha ng City of Ilagan at mga karatig bayan.

Nilinaw niya na bagamat matutuloy na ang nasabing proyekto ay hindi na ito idedeklarang special non-working holiday ng punong lalawigan dahil naitakda ang December 20, 2019 sa Christmas break ng mga mag-aaral gayundin na nagpahayag na ng pakikiisa ang pamunuan ng mga pribadong paaralan sa lalawigan.

puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng ENRO o Environment and Natural Resources Office ng mga seedlings na gagamitin para sa nakatakdang aktibidad ng pamahalaang panlalawigan.