Kinumpirma ngayon ng organizing committe ng 3oth Southeast Asian Games na dumami pa ang mga sports at events na na ipinagpaliban at inilipat sa ibang petsa dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.
Kabilang sa mga larong ito ay sa Subic Cluster na kinabibilangan ng:
-Beach Volleyball na inilipat sa Dec 4
-Canoe/Kayak/TBR na na-reschedule sa Dec 6 hanggang Dec 8
-Muay competition na magsisimula na lamang sa Dec 4 to Dec 8
-Pencak Silat ay na-postpone patungo sa Dec. 4
-Sailing/Windsurfing ay magre-resume sa Dec. 5
-Triathlon/Duathlon games ay mas pinaaga kaninang umaga
-Modern Pentathlon competition ay magsisimula sa Dec. 5
-Surfing ay postponed para sa Dec. 4
-Sepak Takraw games today mag-resume sa Dec. 4
Sa Souther Luzon cluster
-Underwater Hockey competition ngayong araw ay inilipat sa Dec.4, (subject to actual conditions)
-Skateboard competition ay gagawin sa Dec. 4 (subject to actual conditions)
-Polo postponed today at sa Dec. 4 na lamang (subject to actual conditions)
Sa Metro Manila cluster
-ESports postpone ang training at inilipat sa Dec. 4
Sa Clark cluster
-Petanque ay gagawin na lamang sa Dec. 4
Samantala inaabangan naman ang sunod na anunsiyo sa pagbabalik ng schedule ng ilang mga laro na pawang ang venue ay nasa Clark, pampanga:
-Wakeboarding
-Golf
-Aquatics