Mariing itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kamag-anak nito ang naarestong miyembro ng NPA na isang Amazona sa Abra.
Sa press statement na inilabas ng Department of National Defense (DND) na ang naarestong babaeng miyembro ng NPA na sugatan sa enkwentro ay distant relative ng asawa ni Secretary Lorenzana.
Ayon kay DND public affairs office chief, Dir. Arsenio Andolong na may lumabas kasing report na ang naarestong miyembro ng NPA na si Adriel Dawn Aguilar Aquino ay kamag anak ng kalihim.
Paglilinaw ni Andolong na ang naarestong Amazona ay “distant relatives” ng asawa ni Secretary Lorenzana at wala itong kaugnayan sa pagkaka-aresto sa kaniya ng mga government forces.
“She is a distant relative of the Secretary’s wife and this has no relevance to Ms. Aquino’s arrest by proper authorities,” wika ni Andolong.
Sinabi ni Andolong na sinabi ng kalihim na ang naarestong Amazona na si Aquino ay ituring na isang regular member ng NPA kahit malayong kamag-anak ito ng kaniyang asawa.
Naaresto si Aquino na mga tauhan ng Philippine Army’s 24th Infantry Battalion matapos ang labanan noong July 1 sa Barangay Kiilong-olao, Abra.