-- Advertisements --
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang bibigyan ng proteksiyon ang binatilyo na miyembro ng Maute terror group na naaresto kamakailan lamang sa Marawi City.
Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na makikipag-ugnayan sila sa DSWD kaugnay sa magiging latag ng seguridad para sa 17-anyos na binatilyong miyembro ng Maute.
Pahayag ni Padilla na hindi nila dini-discount ang posibilidad na baka balikan ang binatilyo ng kaniyang mga dating kasamahan.
Sinabi ni Padilla na napakahalaga ang mga ibinigay na impormasyon ng nasabing binatilyo na magagamit ng mga otoridad laban sa mga Maute.
Tumanggi naman si Padilla na banggitin kung saan dinala ang nasabing binatilyo.